DZRH Logo
Rice crops minimally affected by Typhoon Carina - NIA
Nation
Rice crops minimally affected by Typhoon Carina - NIA
by Jim Fernandez01 August 2024

[DISCONTINUED, LATE] Rice fields and crops sustained little to no damage from the onslaught of the southwest monsoon pulled in by Typhoon Carina as farmers in some regions had already harvested the grains prior to the storms.

TRANSCRIPT & DETAILS:

https://x.com/dzrhnews/status/1818779318249832616

minimal umano ang pinsala ng bagyo sa mga palayan na nasa ilalim ng contract farming. ayon sa national irrigation administration o NIA, tapos nang mag-ani ang mga magsasaka bago manalasa ang nagdaang habagat at bagyong carina

Advertisement

RHOVIC MANUEL:

masasabing naging minimal lang ang naging pinsala ng nagdaang bagyo sa mga palay na nasa ilalim ng contract farming ayon sa NIA

sa panayam ng DZRH kay NIA administrator engineer eduardo guillen, sinabi nitong bago pa lang ang bagyo, ay nakapag-ani na ang ibang mga rehiyon ng palay, at ang karamihan namang sakahan ay hindi lubhang naapektuhan ng kalamidad

"at naka-ano na sa region 4-a, meron din tayo sa region 13, at dito po sa (...) area, o region 3"

Advertisement

[bago nagkaroon ng baha, naani na?] "tama po, yung iba naman po, hindi naman naapektuhan ... yung mga ano namin sa region 4-a, in fact, yung iba umabot pa ng seven times eh, ok naman po"

ayon pa kay guillen, sa kabila ng minimal damage, mas magandang ani naman ang aasahan dahil sa paglilipat nila ng cropping calendar sa buwan ng oktubre

"ito susunod natin na contract farming, ito na po yung mas maganda kasi october po siya namin gagawin eh. at tsaka yung dalawang cropping season natin na yan. so mas lesser po ang chances na mabaha at mabagyo. so yun po ang sinasabi namin sir na ililipat natin yung cropping calendar natin diyan sa mga buwan na yan"

samantala tiniyak naman ni guillen na ngayong unang linggo ng agosto, makararating na ang naaning palay sa mga KADIWA centers sa bansa, na maibebenta pa rin sa halagang P29 kada kilo, habang hanggang isang sako naman ang maaaring bilhin ng kada pamilya batay na rin sa pattern ng department of agriculture

Share
Related Topics
listen Live
DZRH News Live Streaming
Home
categories
RHTV Link
Latest
Most Read