SCRIPT:
VAL GONZALES
mga C4 na gamit sa pampasabog, baril, mga bala, bulletproof vest at iba pang kahina-hinalang kagamitan ang nasamsam sa isang sasakyang nahuli ng PNP-highway patrol group sa pilipinas avenue, paranaque city
ayon kay PNP-HPG director pol. brig. gen. eleazar mata? kabilang sa naaresto ay ang lider ng grupo na kinilala lamang sa alias na GJ at ang kasamahan nito na alias lito
sabi ni gen. mata, napag-alaman nalang nila sa imbestigasyon kalaunan na ang suspek na kanilang naaresto ang mga taong sangkot sa pangi-iscam sa pamamagitan ng paghihingi ng pera gamit ang pangalan ni first lady liza araneta-marcos
napasugod din sa kampo crame ang special envoy on transnational crime ambassador na si marcos lacanilao
ito'y dahil sila ay kabilang sa nagsampa ng kaso laban kay alias KJ matapos nitong idawit ang pangalan ni first lady sa pangi-iscam noong nakalipas na taon
napag-alaman ang modus ng grupo ang manghingi ng pera sa mga opisyales ng gobyerno kapalit daw ng mga proyekto na ibibigay sa kanila dahil nga malapit daw sila ... malapit daw itong si jayjay at kaanak ng unang ginang
patung-patong na mga kaso ang inihanda ngayon ng PNP-HPG laban sa mga naarestong mga suspek